Nanindigan ang mga manufacturer na hindi sapat ang sunud-sunod na oil price rollback upang ibaba ang presyo ng spare parts at ilang pangunahing bilihin.
Kasunod ito ng hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na tapyasan ang presyo ng prime commodities.
Iginiit ng mga manufacturer na maliit na bahagi lamang umano ng kanilang gastos ang napupunta sa petrolyo at kuryente at hindi sapat upang ibaba ang presyo ng mga bilihin.
Nilinaw naman ng Philippine Association of Meat Processors na bagaman hindi sila tutol sa hirit na tapyas presyo, hindi pa umano ito napapanahon.
Gayunman, ibinabala ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba na mahaharap sa kaso ang mga negosyanteng tumatangging magbawas ng presyo kahit may basehan.
Sa issue naman ng mga spare part ng sasakyan, aminado ang kagawaran na wala silang magagawa kundi i-monitor lamang ang presyo.
By Drew Nacino