Ihihirit ng mga manufacturer ng mga de latang sardinas ang dagdag presyo sa kanilang mga produkto dahil sa mataas na production cost bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.
Piso hanggang dalawang piso ang hihilinging dagdag ng mga manufacturer sa Department of Trade and Industry sa kada lata ng sardinas.
Bukod sa mataas na gastos sa produksyon, ipinunto rin ng mga manufacturer ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo at singil sa kuryente.
Sakaling pagbigyan, maglalaro sa 15 hanggang 16 pesos na ang magiging presyo ng kada lata ng pinaka-murang sardinas na kasalukuyang nasa 13 hanggang 14 pesos.
Samantala, inihayag ng DTI na ang nakabinbing petisyon para sa dagdag presyo ay maaaring ibasura dahil masyado itong mataas.