Umaapela ng tulong sa pamahalaan si Vimie Erese, Presidente ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association.
Ito ay upang ma-regulate subalit hindi na maipagbawal ang paggawa at pagbebenta ng paputok.
Sinabi ni Erese na maliban sa kanilang industriya, maaapektuhan din ang Bagong Taon ng mga Pilipino.
Bilang bahagi ng pag-iingat, hinimok ni Erese ang kapwa manufacturers na gumamit ng mas ligtas na kemikal sa paggawa ng paputok.
Nakiusap din si Erese sa mga nagbebenta ng kemikal na tiyaking sa lehitimong manufacturer lamang ibebenta ang naturang kemikal.
By Katrina Valle | Ratsada Balita