Ipasasara ng Food and Drug Administration o FDA ang mga pasaway na manufacturers na nagsu supply sa merkado ng violative food at drug products.
Tiniyak ito ni FDA OIC, Health Undersecretary Eric Domingo, batay na rin sa mandato ng ahensya para na rin sa kaligtasan at proteksyon ng publiko.
Kabilang sa health products ang food, drugs, cosmetics, devices, biologicals, vaccines, in vitro diagnostic reagents at household o urban hazardous substances.
Ang FDA ay regular na nagpapalabas ng mga advisory sa mga produktong walang registration certificates para balaan ang publiko laban sa posibleng pangamba sa kalusugan ng mga ito.