Papalo sa 30 sentimos hanggang 61 ang posibleng itaas ng mga manufacturers sa kanilang mga produktong sardinas, kape at noodles.
Gayunman sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinag aaralan pa nila kung aaprubahan o hindi ang pagtataas ng presyo ng mga nasabing pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan aalamin muna nila kung makatuwiran ang hinihiling na taas presyo ng manufacturers bagamat may mga foreign exchange adjustment na dapat ikunsider.
Binigyang diin ni Cabochan na sinisikipa ng DTI na makipag-usap sa manufacturers na kung kailangan talagang magtaas, dapat ay minimum lamang.
Gayunman inamin ng DTI na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay posibleng maapektuhan nang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa drone attack sa ilang oil facilities sa Saudi Arabia.
Samantala ilalabas na ng DTI ang bagong Suggested Retail Price (SRP) bago matapos ang buwang ito.