Ipamamahagi na ang mga COVID-19 vaccines na mapapaso na sa Disyembre at Enero sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na uptake rates o mga malakas kumonsumo ng bakuna.
Ayon kay National Vaccination Operations Center at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ituturok ang mga naturang bakuna bilang first doses.
Hiniling na anya nila sa mga probinsya at bayan na dalhin ang mga bakuna na mapapaso na sa regional offices ng Department of Health (DOH).
Una nang inihayag ni Cabotaje na iniimbestigahan na ng DOH ang mga ipinamahaging bakuna sa local government units pero hindi ginamit sa tatlong araw na national vaccination drive.
Karamihan sa mga bakunang hindi nagamit ay Astrazeneca doses. —sa panulat ni Drew Nacino