Pinatawad na ng mga Maranao si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa deklarasyon nito ng Martial Law sa Mindanao at karahasan bunsod ng nagpapatuloy na military operations sa Marawi City laban sa ISIS-Maute group.
Ayon kay ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao Assemblyman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur Crisis Management Committee, naramdaman nila ang sinseridad ng Pangulo sa paghingi ng tawad at kanilang pinapupurihan ang malasakit nito bilang commander-in-chief.
Naiintindihan aniya nila ang pangangailangan ng administrasyong Duterte na maglunsad ng matapang na aksyon laban sa teroristang grupo.
Umaasa naman si Adiong na ang paghingi ng tawad ng Pangulo ay magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa produktibong komunikasyon sa pagitan ng punong ehekutibo at mga Maranao.
ByDrew Nacino
Pangulo pinatawad na ng mga Maranao sa Martial Law declaration was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882