Nakakaranas na ng acute distress ang mga evacuees dahil sa sinapit na karanasan sa paghahasik ng karanasan ng mga terororistang Maute sa Marawi City.
Sinabi ni Dr. Rey Sague , Iligan City Psychologist , muli nilang itatatag ang mental health and psycho social cluster na ginamit nila noong typhoon Sendong na isa sa malakas na bagyong tumama sa Iligan City.
Ayon kay Dr. Sague, kinakitaan na ng senyales ng depression at stress ang mga evacuees dahil sa insidente.
Hindi aniya sanay ang mga taga-Marawi ng ganitong uri ng karahasan kaya marami sa mga mamamayang lumikas ay binalot ng takot at sindak .
By: Aileen Taliping