Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines o AFP na posibleng ang mga mosque o masjid na lamang ang natitirang stronghold ng Maute terrorist group.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ginagamit ng mga terorista ang mga masjid bilang safe haven lalo’t iniiwasan aniya itong bombahin ng militar.
Sa kabila nito, may ibang paraan naman aniya para maitaboy o mapalayas ang mga ito sa masjid nang hindi nasisira ang lugar.
Kasalukuyang nasa kalahating kilometro kuwadrado na lamang ang battle ground sa pagitan ng militar at teroristang Maute.
By Ralph Obina