Kinumpirma ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagtatalaga niya kay P/Mgen. Alex Sampaga bilang bagong direktor ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ito’y kasunod ng pagkasawi ni Cadet 3rd Class George Carl magsayo na sinasabing biktima ng hazing sa loob ng akademiya.
Papalitan ni Sampaga bilang direktor ng PNPA si P/Mgen. Rhoderick Armamento epektibo sa Miyerkules, Setyembre 29.
Habang ililipat naman si Armamento sa iiwanang posisyon ni Sampaga bilang pinuno ng Directorate for Infomation and Communications Technology Management (DICTM).