Naka-umang na ang balasahan sa Philippine National Police o PNP anumang araw mula ngayon.
Ito’y sa gitna ng pagreretiro ngayong araw ni Deputy Chief for Administration, Deputy Dir. Gen. Francisco Uyami, ang ikalawang pinakamataas na opisyal sa PNP sunod kay PNP CHIEF. DIR. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay PNP Spokesman, Senior Supt. Dionardo Carlos, aakyat sa ikalawang puwesto si Deputy Dir. GEN. Ramon Apolinario habang magiging third man o Deputy for Operations si Deputy Dir. Gen. Fernando Mendez.
Dahil dito, mababakante ang ika-apat na pinakamataas na puwesto sa PNP na the Chief Directorial Staff.
Kandidato sa naturang posisyon ang mga mistah o kaklase ni General Bato na sina Dir. Archie Gamboa na hepe ng directorate for comptrollership at Dir. Ramon purugganan na nasa directorate for personnel records and management.
Sa Lunes inaasahang i-aanunsyo na ni Dela Rosa ang mga pagbabago sa command group ng PNP.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal