Nasamsam ng mga militar ang matataas na uri ng baril sa isang rebeldeng nasawi matapos ikasa ang focus military operation laban sa mga teroristang grupo.
Ayon sa mga tauhan ng Philippine Marine Commandant sa Fort Bonifacio Marine Headquarters sa Taguig City, Metro Manila, pinaniniwalaang kasapi ng communist terrorist group sa Sitio Bayugon, sa isang barangay sa Roxas ang nasawing rebelde.
Ayon kay Col. Larida ang enkuwentro ay resulta ng kanilang “careful planning” base sa impormasyon ibinigay sa kanila ng mga naninirahan sa naturang lugar.
Sa ngayon, isinailalim na sa proper disposition ang bangkay ng nasawing rebelde upang mabigyan ng maayos na libing ng mga kamag anak. —sa panulat ni Angelica Doctolero