Libre ang matrikula ng mga estudyante ngayon sa mga State Universities and Colleges kahit hindi pa maipatutupad ngayong taon ang libreng edukasyon.
Sinabi sa DWIZ ni Commissioner Prospero de Vera ng Commission on Higher Education na mayroon pang pondo ngayon para sa libreng tutition na 8 Bilyong Piso.
Nakapaloob aniya ito sa 2017 budget ng mga SUC’S kaya hindi dapat na mag-alala ang mga nag-aaral sa mga State Universities and Colleges.
Kung nagkakaproblema man ngayon aniya ang University of the Philippines, ito ay dahil sa kapalpakan matapos magkamali sa isinumiteng tuition fee receipts sa Department of Budget.