Dapat nang i-prisinta ng mga nais tumakbo sa 2016 Presidential elections ang kani-kanilang mga plataporma.
Binigyang diin ito nina Senador Ralph Recto at Sergio Osmeña, sa gitna na rin nang paglutang ng mga personalidad na posibleng sumabak sa eleksyon sa susunod na taon.
Sinabi nina Recto at Osmeña na dapat marinig ng publiko ang mga plano at kung paano lulutasin ng mga kandidato ang mga problema ng bansa tulad ng trapiko, MRT at LRT o maging kakulangan ng mga guro.
Kahit anila may karisma, character at competence at nangunguna pa sa survey si Poe, dapat na maging klaro kung paano mamuno ang senador kapag naging Pangulo na ng bansa.
Ayon pa kina Recto at Osmeña, nais din nilang marinig kina Poe o maging kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa unang 100 days sakaling maging susunod na lider ng bansa.
By Judith Larino