Nangako sa sambayanan ang Pangulong Rodrigo Duterte na babalik sa normal ang buhay ng lahat pagsapit ng Disyembre.
Muling umapela ang Pangulo sa mamamayan na magtiis na lamang ng konti at parating na ang bakuna.
Binasa pa ng Pangulo ang liham mula sa embahada ng China kung saan tinitiyak nila na mauuna ang Pilipinas sa mga bibigyan nila ng bakuna.
Ayon sa Pangulo, limang dine-develop na bakuna ang nasa final stages na at tatlo rito ang mula sa China.
Una anya sa mabibigyan ng libreng bakuna ang mga benepisyaryo ng social amelioration fund at ang mga nasa middle class.
I promise you by the grace of God by the end of December we would be back to normal. Ito ang i-guarantee ko, ang listahan ng mga tao na makatanggap ng pera noon sa hirap ang una na bibigyan ng assistance, yun ang category natin ang mauna yung walang-wala atsaka of course yung mga nandun sa hospitals,” ani Duterte.
Inamin ng Pangulo na wala syang tiwala sa mga barangay officials na mamahagi ng bakuna tulad ng nangyari sa social amelioration kaya’t hindi na nya uulitin ito.
Sinabi ng Pangulo na ipagkakatiwala nya ang pamamahagi ng bakuna sa militar at pulis.
But, the implementing arm, military, punta lang kayo, I suggest that the military assign so many of these soldiers, policemen. Mga pulis pakinggan niyo ng mabuti ha, ayaw ko ng magka-atraso kayo dito kapag kayo nagkaatraso, nagkamali kulong talaga kayo,” ani Duterte.