Ililibre ng lokal na pamahalaan ng Quezon City mula sa idle land taxes ang mga nagmamay-ari ng mga bakanteng lupa na gagamitin para sa urban farming.
Ito ay matapos aprubahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagrebisa sa section 11 ng Quezon City Revenue Code of 1993.
Sa ilalim nito, maaaring ma-exempt sa pagbabayad ng idle land tax ang mga landowner na gagamitin ang kanilang pag-aari para sa urban gardening o pagtatanim ng produktong pagkain sa loob ng tatlong taon o higit pa.
Ayon kay Belmonte, layunin nitong maisulong ang programa sa urban agriculture na makatutulong para matiyak at mapalakas ang food security lalu na sa panahon ng pandemiya.