Nais ng Restaurant Owners of the Philippines na taasan ang dine-in capacity sa mga kainan o establisyimento upang mas marami pang empleyado ang makabalik sa trabaho.
Gayunman, batid rin aniya ng restaurant owners na kailangan itong gawin ng dahan-dahan para mabawasan ang risk ng COVID-19 transmission, kaya kontento na muna sila ngayon sa itinakdang kapasidad, kaysa sa wala.
Handa naman aniya sila na maghintay para sa lalo pang pagluluwag ng restrictions.
Sa ngayon, nasa ilalim ng alert level 4 ang Metro Manila kung saan pinapayagan na ang alfresco dining sa mga kainan sa 30% venue capacity.
Ang indoor dining naman ay pinapayagan sa 10% capacity para sa fully vaccinated individuals.—sa panulat ni Hya Ludivico