Umapela sa pamahalaan si dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon na bigyan ng PWD cards ang mga taong nahawa ng HIV-Aids.
Sinabi ito ni Guanzon isang araw matapos manumpa sa tungkulin bilang kinatawan ng P3PWD party-list sa 19th Congress.
Ayon kay Guanzon, isang grave at chronic disease ang HIV na dapat pagtuunan ng pansin.
Hindi rin aniya lahat ng lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng PWD cards sa mga taong mayroong HIV-aids.
Samantala, umapela rin ang dating komisyoner sa League of Cities of the Philippines at League of Municipalities of the Philippines na linawin sa kanilang mga miyembro ang pagbibigay ng PWD card sa mga may HIV-Aids.
Ginagamit ang PWD card upang mabigyan ng diskuwento sa binibiling gamot, pagkain at kinakailangang serbisyo ang isang miyembro.