Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga may sakit na huwag nang sumama sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Ito’y sa kabila ng tradisyon ng ilang mananampalataya bilang kanilang panata upang gumaling sa kung anuman ang kanilang karamdaman.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, mas makakabuti na mag-alay na lang ng dasal ang mga debotong may sakit.
Ipinaliwanag din ni Duque na hindi naman mababawasan ang basbas at biyaya ng Itim na Nazareno sa kaniyang mga deboto na hindi makakasama sa prusisyon na nakatakda sa Miyerkules.
Gayunman, tiniyak ng kalihim na mayroong medical teams na nakakalat sa ruta ng prusisyon upang magbigay ng ayuda sa mga namamanata.
Nuong nakalipas na traslacion, karamihan umano sa mga sumama sa prusisyon ay nakaranas ng pagtaas ng blood pressure.