Planong umalis ang ilan sa mga mayayaman at nasa middle class na residente sa China upang makakuha ng mas maayos at magandang oportunidad sa ibang bansa.
Ito ay dahil sa posibleng muling pagpapatupad ng lockdowns at muling paghihigpit sa mga negosyo at edukasyon kung saan, hindi umano nila nakikita ang kanilang future para sa kanilang pamilya.
Apektado na kasi ang kanilang kabuhayan maging ang mismong pag-aaral ng kanilang mga anak.
Dahil dito, napilitan nalang ang iba na ibenta ang kanilang ari-arian at kumuha nalang ng mauupahan sa Europa.
Bukod pa dito, nagkukulang na rin ang China sa pagkain na sinabayan pa ng kaliwa’t kanang kilos-protesta.