Bawal nang bumiyahe o maghain ng leave of absence ang mga lokal na opisyal na pamahalaan sa panahon ng mga kalamidad tulad ng bagyo.
Batay ito sa ipinalabas na memorandum ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nag-uutos ng kanselasyon sa mga naaprubuhan ng travel authorities o leave of absence ng mga LGU officials na matatapat sa kasagsagan ng pananalasa ng mga kalamidad.
Paliwanag ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, layunin ng kautusan na matiyak ang presensiya ng mga local chief executives sa panahong pinaka-kailangan sila ng kanilang mga nasasakupan.
Ang pagpapalabas ng memorandum ay kasunod na rin ng pagsasampa ng reklamo ng administratibo ng DILG sa Ombudsman laban sa limang alkalde mula sa Northern Luzon na missing in action sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Kabilang sa mga ito sina Tayum Abra Mayor Eduarte, Manyakan Benguet Mayor LUSPIAN, Natonin Mt. Province Mayor Chiyawan, Sandanga Mt. Province Mayor Limmayog at Rizal Cagayan Mayor Ruma.
—-