Pinag-iingat ng Malakaniyang ang lahat ng miyembro ng media na nagco-cover sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City
Ito’y makaraang masugatan ang isang dayuhang reporter ng Australian Broadcasting Corporation matapos tamaan ng bala mula sa sniper.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bagama’t hangad ng mga mamamahayag na maayos na magampanan ang kanilang tungkulin sa paghahatid ng mga bago, napapanahon at tamang balita sa publiko, mas mahalaga pa rin ang buhay kaysa sa istorya.
Pinayuhan din ni Abella ang mga mediamen na naka destino sa Marawi City na manatiling totoo sa kanilang propesyon na makapaghatid ng makabuluhang balita at magpatupad ng ibayong pag-iingat para sa kanilang kaligtasan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping