Nagsagawa ng Anti – Measles Immunization ang mga medical personnel sa mga bahay sa Taguig City kahapon.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng Department of Health (DOH) ng outbreak ng tigdas sa isang di pinangalanang barangay sa lungsod.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, pito na ang kumpirmadong naitala nila na may tigdas sa naturang komunidad.
Inaalam pa aniya nila kung may kaugnayan ang nasabing kaso sa kumalat na tigdas sa Davao City nuong nakaraang buwan.
Paliwanag ni Domingo , ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng kamatayan sa mga musmos na kasimbata ng tatlong buwan.
Ilan aniya sa mga sintomas ng tigdas ay mala-trangkasong kalagayan, tuloy-tuloy na lagnat, mga pantal, at pamumula ng mata.
Pangamba ng publiko sa napaulat na measles outbreak pinawi ng DOH
Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko sa gitna ng mga ulat na mayroong measles outbreak sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, sa katunayan ay nasa elimination phase na sila sa tigdas at sa katunayan ay bumaba ang bilang ng kaso nito dahil sa antas ng immunization coverage laban sa naturang sakit.
Wala pa naman anyang dapat ipangamba lalo ang mga magulang at bagaman kung binakunahan ang kanilang mga anak ay mahalaga pa rin ang pag-iingat.
Samantala, isang supplementary immunization activity na tinawag na catch-up vaccination ang isasagawa sa mga lugar na nakapagtala ng outbreak.
Kabilang sa mga sintomas ng tigdas ay sipon, ubo at sore eyes at ilan sa mga seryosong komplikasyon nito ay severe diarrhea at pneumonia
Arianne Palma / Drew Nacino / RPE