Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11712 o ang batas na naglalayong mabigyan ng regular financial support ang mga medical workers ngayong humaharap ang lahat sa global health crisis dahil sa COVID-19 pandemic.
Alinsunod sa RA 11712, kailangang makatanggap ng buwanang allowance ang lahat ng healthcare workers depende sa sitwasyon ng peligro sa kalusugan ng kanilang binibigyan ng serbisyong medikal.
Nakasaad sa batas na tatlong libo kapag low risk, anim na libo kung medium risk at siyam na libo naman sa mga high risk.
Dapat ding mabigyan ng finacial assistance ang mga medical workers kapag tinamaan ng COVID-19, 15 libo para sa moderate symptoms, 100 libo naman kapag malala o severe at isang milyon naman kapag binawian ng buhay.