Ipinagbabawal pa rin ang mga menor de edad sa mga mall sa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ito ang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa posibleng pagdagsa ng tao sa mall ngayong holiday season.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, magkakaroon sila ng pulong kasama ang mga mall managers para paalalahanan na hindi pa rin pinapayagan ang mga non-APOR o ang mga hindi ‘authorized persons outside of residence sa mall sa mga GCQ areas.
Ito’y para makaiwas ang mga bata sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Papayagan lang umano sa pumasok sa mga mall o shopping centers ang mga APOR o essential workers.