Ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng menor de edad at iba pang kabilang sa vulnerable sector.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil hindi pa aniya bakunado ang karamihan sa mga bata kaya’t bawal pa silang magpaggala-gala.
Kasunod nito, sinabi naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinapayagan lamang ang paglabas ng mga bata at iba pang vulnerable sector kung bibili ng essential goods at services, papasok sa trabaho at kung mag-eehersisyo.
Papayagan lang umano ang mga bata na makapasok sa mall kung ang clinic ng mga ito ay nasa loob ng mall at hindi para mamasyal.