Posibleng mabakunahan na kontra COVID -19 sa ika-4 na quarter ng taong ito ang mga bata at kabataan.
Ayon ito kay Vaccine Czar Carlito Galvez. Jr. dahil malaking bahagi ng COVID -19 vaccine na epektibo sa mga menor de edad ay darating sa huling quarter ng taong ito.
Ang COVID -19 vaccine na gawa ng Sinovac, Moderna at Pfizer ay binigyan na ng go signal para gamitin sa mga bata at kabataan sa ilang bahagi ng mundo.
Binigyang diin ni Galvez na ang pag bakuna lamang sa halos 29 milyong minors sa bansa ang magbibigay daan sa herd immunity at sa pagbabalik ng face to face classes.