Sumampa na sa 230,357 na mga kabataang edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa datos ng national vaccination operations center, nasa 0.10% ang nakaranas naman ng adverse events.
Tiniyak ni Vergeire na lahat ng menor de edad na nagkaroon ng reaksyon ay nakauwi rin matapos tumugon ang kani-kanilang local health office.
Oktubre 15 nang umarangkada ang pediatric vaccination sa walong ospital sa Metro Manila para sa mga batang may commorbidty habang lumarga ang Nationwide Pediatric Vaccination noong Nobyembre 3. —sa panulat ni Drew Nacino