Inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion, na payagan makapasok sa mga mall ang mga menor de edad kahit hindi pa sila nakatatanggap ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Concepcion na kakasimula pa lang ng vaccine rollout sa mga kabataan at posibleng sa susunod na taon pa sila maging fully vaccinated.
Aniya, malaking bagay para sa mga pamilya na makalabas nang sama-sama ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Una nang pinayagan ng IATF na makapamasyal ang mga bata sa mga mall sa NCR nang ibaba nito sa alert level ang rehiyon.—sa panulat ni Joana Luna