Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na ipagpatuloy lamang ang kanilang kampaniya kontra sa mga pasaway na lumalabag sa batas.
Ito’y sa harap na rin ng kaliwa’t kanang batikos na kaniyang inaabot kasabay ng pag-aresto ng pulisya sa mga tinaguriang tambay sa mga lansangan.
Sa kaniyang talumpati sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na bahagi ng kaniyang tungkulin bilang ama ng bayan na pangalagaan ang kapakanan ng kaniyang mamamamayan.
Samantala, ipinag-utos din ng Pangulo sa mga pulis na hulihin na rin ang mga menor de edad na lalaboy sa mga kalsada upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan.
“Below 18, you arrest the teenagers there around loitering, because we have to protect our children, nagkalat na ang droga, nagkalat na ang lahat.”
“You take them into custody not to arrest them, but for their own safety, to protect them. They are not being arrested for any crime, arrest them for their good. ‘Uwi kayong lahat. We can take custody of minors to protect them.” Pahayag ng Pangulong Duterte
“That is the obligation of the police, the barangay chairpersons. ‘Pag minors, damputin mo talaga. Tawagin ang DSWD. Pakainin diyan and release them in the morning. It should be the barangay captain who will deliver them to the parents.”
—-