Malaya namang nakalilibot sa buong lungsod ng Baguio ang mga menor de edad o mga batang nasa edad 15 anyos pababa.
Sa kabila ito ng pagbabawal ng ilang mga lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na kabataan na lumabas ng kanilang tahanan dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Baguio City Tourism Office, tinatayang aabot sa 200,000 turista kabilang na ang mga kabataan ang pinayagang makapagdiwang ng Pasko sa lungsod matapos sumailalim sa mahigpit na health at safety protocols bago makapasok.
Dahil dito, enjoy ang mga pamilyang nagdiwang ng Pasko sa Baguio City habang ninanamnam ng mga ito ang napakalamig na temperatura ruon na naglalaro sa 14 degrees celcius.