Uubra pa ring makalabas ng Metro Manila ang mga menor de edad.
Ayon ito kay National Task Force against COVID-19 (NTF) Spokesperson Restituto Padilla kung kasama ang mga mahal sa buhay para sa family travels.
Binigyang diin ni Padilla na hindi pinagbabawal ang pag biyahe ng pami-pamilya palabas ng NCR o mga point to point at pagpunta sa iba’t ibang destinasyon gamit ang sasakyang pandagat, panghimpapawid o anumang land transportation.
Pinaalalahanan ni Padilla ang mga magba biyahe na i-check muna ang health protocols na ipinatutupad ng local government unit o sa kanilang destinasyon.
Kasabay nito ipinabatid ni Padilla na maaari ring lumabas ang mga menor de edad sa Metro Manila para magpa-check up sa kanilang mga duktor subalit kailangan lamang makipag ugnayan ang mga clinic sa mga mall sa management nito para maiwasang makahalubilo sa maraming tao ang mga hindi dapat lumabas.