Kasado na ang tinaguriang ‘Pambansang Pagkilos’ ng mga militanteng grupo bukas, Araw ng Kalayaan.
Gugunitain ng mga militante ang anila’y kawaalan ng tunay na kalayaan na pinatunayan nang paglabag ng mga dayuhan sa soberanya ng bansa.
Susugurin din ng mga militante ang Chinese Embassy bukas ng alas-9:00 ng umaga bago isagawa ang caravan patungong US embassy.
Iginigiit ng mga militante na dapat manindigan ang mga Pilipino laban sa panghihimasok ng mga dayuhang bansa, umasa sa sarili lamang at palakasin ang ekonomiya at kakayahan sa depensa para ipagtanggol ang soberanya ng bansa.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)