Handang-handa na ang iba’t ibang grupo tulad ng Bayan Muna sa kanilang pagkilos kaugnay sa ika-isandaang araw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto sa October 8.
Ipapanawagan ng grupo sa Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng socio-economic projects para maiangat ang kalagayan ng mga mahihirap at sumulong ang usapang pangkapayapaan.
Kasama rin sa iniaapela ng grupo sa Pangulo ang tuluyang pagwawakas ng contractualization, pagpapatupad ng national minimum wage, tunay na reporma sa lupa at pagtigil sa privatization sa mga serbisyong panlipunan.
Iginigiiit din ng BAYAN ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, pag-alis ng mga militar sa komunidad sa kanayunan at pagpigil sa pang-aabuso ng mga pulis sa digmaan kontra droga.
Tiniyak naman ng grupo ang pagsuporta sa paggigiit ni Duterte ng independent foreign policy at pagkontra sa idaraos na Philippine US military exercise sa October 4.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)