Sinugod ng mga militanteng grupo ang harapan ng Korte Suprema ngayong unang araw ng APEC week.
Sigaw ng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN Southern Tagalog ang tuluyang pagbabasura sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ayon sa grupo, dapat kalimutan na ng pamahalaan ang EDCA dahil sa hindi naman makikinabang dito ang mga ordinaryong mamamayan.
Hiling din ng grupo na huwag nang tangkilikin pa ang APEC bagkus dapat na anila itong buwagin.
Giit ng grupo, nalulubog lamang anila sa kumunoy ang mga mahihirap na bansang kasapi nito dahil tanging ang mga mayayamang bansa ang nakikinabang sa APEC.
By Jaymark Dagala