Kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng mga miltante na ihayag ang kanilang mga hinaing laban sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, bahagi ito ng kanilang karapatan sa pamamahayag.
Gayunman, inamin ng Pangulo na hindi niya nagustuhan ang ginagawang pagsunog ng kanyang effigy sa mga protesta ng mga makakaliwang grupo.
Kayat payo niya sa mga ito, huwag nang lalapit sa gobyerno dahil wala na aniyang aasahang pang tulong ang mga ito mula sa pamahalaan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte