Hinikayat ng iba’t ibang mga militanteng grupo ang lahat ng mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban para sa kalayaan at pagtakwil sa panibagong diktaturya sa bansa.
Kasabay ito ng paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Ayon sa grupong Kilusang Masa, hindi man nila nakikita ang pagkakaroon ng panibagong people power revolution na tulad noong 1986 sa malapit na hinarap.
Mas mapatataas pa rin anila ang tiyansa ng pagkakaroon ng katulad na pagkilos dahil sa anila’y plano ng Administrasyong Duterte para sa panibagong diktaturya.
Kaugnay nito, ilang mga grupo tulad ng Alyansang Tigil Mina, Kilos Maralita, Sentro ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa at Coalition Against Trafficking of Women in Asia Pacific ang magsasagawa ng protesta para sa patuloy na panawagan sa kalayaan.
Inaasahan namang makikiisa rin sa mga pagkilos ang mga miyembro ng unyon ng ABS-CBN Network.