Muli namang magsasagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa harap ng konsulada ng Tsina sa Makati City
Ito’y bilang pagsalubong sa magiging desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea
Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabanyan o BAYAN, malakihan ang kanilang gagawing pagkilos bilang pagtuligsa sa panghihimasok at pananakop ng China sa nasabing karagatan
Tila mababalewala lamang ang magiging desisyon ng Artbitral Court kahit pumabor sa Pilipinas kung hindi naman ito kikilalanin ng China
Samantala, nanawagan ang grupong BAYAN sa lahat ng mga Pilipino na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng paghahayag ng suporta sa anumang paraan para igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga pinagtatalunang teritoryo
By: Jaymark Dagala