Nagkilos protesta ang iba’t ibang militanteng grupo ngayong International Human Rights Day para kondenahin ang umano’y paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte.
Sa Mendiola, Maynila naglatag ang mga militante ng itim na kabaong, mga kandila at mga kunwari’y biktima ng EJK o Extra Judicial Killings na nakabalot sa garbage bag at tape.
Bukod sa grupong Timog Katagalugan, GABRIELA, BAYAN, KARAPATAN, at Pamantil-KMU, nakilahok din sa protesta ang grupong “No to Jeepney Phaseout Coalition” at Piston sa pangunguna ni George San Mateo na inaresto noon dahil sa mga transport strike.
Bukod sa Mendiola, magiikot din ang mga militante sa Espana, Blumentrit at Welcome rotonda habang ang pangunahing programa ng protesta ay gaganapin sa Liwasang Bonifacio mamayang alas 2:00 ng hapon hanggang gabi.