Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang lider ng ilang militanteng grupo kabilang na ang Bagong Alyansang Makabayan, makalipas ang kanyang SONA.
sa Facebook post ni Bayan Secretary General Renato Reyes, kinumpirma nito na ginanap ang pulong sa tanggapan ng Presidential Legislative Liason Office sa loob ng Batasan Pambansa Complex.
Sumentro ang usapin sa ilang mga isyung may kinalaman sa Urban Poor at Labor Concerns tulad ng dagdag na umento at Contractualization.
Tiniyak naman ng Pangulong Duterte sa grupo ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na bukas ang kanyang pamahalaan sa hinaing ng mga ordinaryong mamamayan.
By Meann Tanbio