Sinugod ng mga militanteng grupo ang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) para kondenahin ang iba’t ibang education policies ng administrasyon, kabilang ang pagtanggal sa Filipino at Panitikan bilang mandatory subjects sa kolehiyo.
Ayon kay Kabataan party-list rep. Sarah Elago, tinututulan nila ang mandatory implementation ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) program sa senior high school at ang nakaambang pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa pampubliko man o pribadong paaralan.
Sumiklab naman ang tensiyon sa pagitan ng mga awtoridad at mga militante makaraang pinturahan ng mga raliyista ang gate ng ahensya.
Dinampot ang ilang mga nagprotesta at kalauna’y pinalaya rin naman nang walang kasong isinampa laban sa mga ito.