May banta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militanteng magsasagawa ng mga mararahas na pagkilos kontra sa kanyang administrasyon.
Ito’y sa kabila na rin ng paki-usap nito sa mga militante na igalang ang bawat isa sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga negosyanteng Tsino sa Malacañang kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming ipapatay ang mga militante sakaling mauwi sa anarkiya ang kanilang pagkilos.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasunod nito, sumentro na ang banta ng Pangulo sa grupong Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na walang habas na nang-agaw ng mga pabahay para sa mga sundalo at pulis.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte