Pursigido ang Quezon City Police District (QCPD) na sampahan ng patumpatong na kaso ang mga lider at miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo.
Ito’y makaraang bugbugin na nga, pinagnakawan pa ang isang pulis sa ikinasang kilos protesta nito sa opisina ng Commission on Human Rights (CHR) kahapon, Hulyo 11.
Ayon kay QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo, nasa lugar ang biktimang si P/CMSgt. Feliciano Evangelio na nakatalaga sa Distrtict Operations Unit kasama ang apat pang pulis para sa peace-keeping at monitoring sa lugar ng kilos protesta.
Aniya, sinadyang gulpihin ng mga militante ang pulis nang ipag-utos ito ng kanilang mga lider at hindi pa sila nakuntento ay ninakaw pa ang baril nito, mga magazine na may lamang tatlumpung bala.
Gayundin ang kaniyang wallet na may lamang IDs at P5,000 cash, relo at kaniyang cellphone.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Bryan Gonzales ng Karapatan, Kara Levina Taggagoa ng League of Filipino Students, Larry Balbuena ng Pasada Piston, at iba pa mula sa Bayanmuna, Anakpawis, Sanka, Luimad, Save Our School Network, at Kabataan Partylist.
Nahaharap ang mga ito sa mga kasong robbery, physical injury, direct assault, grave coercion, disobedience, paglabag sa public concern act at illegal assembly.