Kakasuhan ng Quezon City Police District (QCPD) ng pagnanakaw at direct assault ang mga raliyista na nambugbog sa dalawang intelligence agents ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay QCPD Director Joel Pagdilao, nire-review na ng kanilang mga tauhan ang kuha ng CCTV sa loob ng mobile advance command post, at inaalam na ang pangalan ng mga raliyista.
Kahapon, kinuyog ng mga raliyista ang dalawang naka-sibilyan na intelligence agents ng PNP, na umano’y kumukuha ng mga video at larawan.
Una nang iginiit ng mga raliyista na ang mga kuhang video ay gagamitin ng PNP, bilang ebidensya sa mga gawa-gawang kaso laban sa kanila.
By Katrina Valle | Jonathan Andal