Nasa 600 refugee sa Thailand ang pinabalik matapos maipit sa labanan ng militar at mga ethnic rebels sa kanilang borders.
Sinabi ni Provincial Governor ng Thailand na karamihan sa mga dayuhan ay nagkusang bumalik sa kanilang lugar dahil nababahala ang mga ito para sa kanilang mga ari-arian.
Samantala, hindi naman sina-ayunan Ni Human Rights Watch Deputy Asia Director, Phil Robertson ang ginawa ng thailand sa mga migrants.
Aniya, hindi dapat mimadali ng Thailand ang pagpapauwi sa mga dayuhan sa kanilang bansa dahil nanganganib pa rin ang mga ito sa kanilang sariling bansa.
Nasa 1,000 refugee mula Myanmar ang gumawa ng pansamantalang tirahan sa border ng naturang bansa.