Nanawagan ang DENR o Department of Environment and Natural Resources sa mga nasa industriya ng pagmimina na taasan ang kanilang ibinabayad na buwis sa pamahalaan bilang kanilang ambag.
Ito ang inihayag ni Environment Undersecretary Joan Leones sa pagpapatuloy ng isinagawang mining conference ng DENR sa isang hotel sa lungsod ng Maynila kahapon.
Binigyang diin ni Leones ang naisin ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapag-ambag ang mga nasa industriya ng pagmimina sa pagpapalakas ng ekonomiya nang hindi nakokompromiso ang kapakanan ng kalikasan gayundin ng publiko.
Magugunitang ibinabala ng Pangulo sa kaniyang ikalawang SONA noong Hulyo na tataasan nito ang ipapataw na buwis sa mga mining companies kung patuloy nilang lalapastanganin ang kalikasan bunsod ng kanilang operasyon.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE