Pinababantayan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga alkalde sa Mindanao kabilang na ang ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao na palaging absent sa kanilang tungkulin.
Partikular na iyong mga bayan na may mataas na banta ng terorismo na lubhang ngangailangan ng presensya ng mga alkalde para resolbahin ang mga isyu ng peace and order sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, kaniya na itong ipinabatid sa lahat ng mga gubernador na nasa labas ng ARMM bilang bahagi na rin ng pag-iingat lalo pa’t umiiral pa rin ang batas militar sa Mindanao.
Naniniwala si Hataman na sa maayos na pamamahala sa kanilang nasasakupan matutugunan ng mga alkalde ang pangangailangan ng kanilang constituents lalo na sa usapin ng seguridad.