Pinababalik ng Korte Suprema sa Department of Finance at BIR ang tax credit sa mga minimum wage earner na pinatawan ng income tax mula July 2008.
Kasama sa mga makakatanggap ng refund ang mga minimum wage earner na kinaltasan ng 13th month pay at iba pang bonus at benepisyo na hindi tataas sa 30,000 piso sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997.
Ayon sa high tribunal umabuso ang BIR sa probisyon ng BIR regulations kaugnay sa pagbubuwis sa minimum wage earners sa kabila nang pagpapatupad ng Republic Act 9504.
Sa ilalim ng ra 9504 ang arawang kita ng minimum wage earners pati na ang holiday pay, overtime pay, night shift differential pay at hazard pay ay dapat na exempted sa withholding tax.
By: Judith Larino