Nangako ang Malakanyang na magkakaroon ng patas na proseso ang mga mining companies kasunod nang pagpapasara ni Environment Secretary Gina Lopez sa higit 20 minahan.
Ayon kay Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo, bagama’t may inilabas na closure order at cancellation of contract ay hindi pa ito pinal.
Aniya, maari pang maghain ng Motion for Reconsideration ang mga mining companies sa naging desisyon ng DENR.
Una nang sinuportahan ng Pangulo ang naging pagkilos ni Lopez laban sa mga minahan na sumisira sa kalikasan at pagtuloy na lumalabag sa batas ng pagmimina.
By: Rhianne Briones / Aileen Taliping