Nagpasaklolo na ang mga mining firm kay Pangulong Rodrigo Duterte at nanawagang manghimasok na ang economic team ng Pangulo laban sa desisyon na ipasara ang 23 large scale mining company at suspendihin ang limang iba pa.
Ayon sa Chamber of Mines of the Philippines o COMP, hiniling na nila sa kay Finance Secretary at Mining Industry Coordinating Council Co-Chairman Carlos Dominguez na panghimasukan na rin ang industry-wide audit result.
Inihayag ni COMP Chairman Artemio Disini na magkakaroon ng malaking epekto sa basic services and at livelihood programs para sa mga komunidad dahil sa suspensyon ng operasyon ng mga nasabing minahan.
Kinukuwestyon din ng mga mining firm ang paraan ng pag-audit na na-kompromiso umano habang hindi nasunod ang actual review.
By Drew Nacino